Former Justice Sec. Aguirre, itinalaga bilang NAPOLCOM commissioner

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Former Justice Secretary Vitaliano Aguirre II bilang commissioner ng National Police Commission o NAPOLCOM.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang statement na inilabas nito noong Lunes.

Nababagay ani Roque si Aguirre sa posisyon dahil sa mga karanasan nito bilang justice secretary mula 2016 hanggang 2018.

Ang magiging role aniya ng commissioner ay pagsasagawa ng police entrance examination, pre-charge investigation ng police anomalies at irregularities pati na ang summary dismissal ng mga pasaway na police officers.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.