Former Presidents Benefits Act, isusulong sa Kamara

Former Presidents Benefits Act, isusulong sa Kamara

INIHAIN ngayon sa Kamara ang isang panukalang batas na magbibigay ng pribilehiyo at benepisyo sa mga dating pangulo ng bansa.

Sina Zamboanga del Sur Reps. Divina Grace Yu at Jeyzel Victoria Yu ang main authors nito sa ilalim ng House Bill 7231.

Isinusulong ng panukala na mapanatili ang protection detail ng isang dating presidente na ibibigay pa rin ng Presidential Security Group (PSG) at may augmentation mula sa PNP.

Bibigyan naman ng karapatan ang isang dating pangulo na makapili kung sino-sino ang isasama nito sa security detail.

Bukod diyan, bibigyan din ng kaparatan ang isang former chief executive na magkaroon ng office staff at sariling opisina.

Sagot naman ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo sa pagpapatupad ng panukala.

Sa ngayon, 3 na lamang sa dating mga pangulo ng bansa ang natitira.

Ito ay sina former Presidents Rodrigo Roa Duterte, Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph Estrada.

Follow SMNI NEWS in Twitter