HINATULANG guilty ng Sandiganbayan sa kasong graft ang dating alkalde ng Quezon City na si Herbert Bautista at ang dating administrator na si Aldrin Cuña.
Kaugnay ito sa procurement ng online occupational permitting and tracking system noong 2019.
Sa hatol ng Sandiganbayan, makukulong sina Bistek at Cuña ng anim hanggang sampung taon kasabay ang pagbabawal sa dalawa na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno ng habambuhay.
Sa kabila nito, hindi naman iniutos ng Anti-Graft Court ang pagbabayad ng multa kaugnay ng P32M project.
Nag-ugat ang kaso nina Bautista at Cuña dahil sa pagkiling sa pag-award ng kontrata sa Geodata Solutions para sa online occupational permitting and tracking system.
Samantala, planong maghain ni Bautista ng motion for reconsideration hinggil sa naturang desisyon.
Giit ng kampo ng dating alkalde, inosente ito sa kasong graft.