Former rebels sa CARAGA, pinadalhan ng tulong ni PBBM

Former rebels sa CARAGA, pinadalhan ng tulong ni PBBM

NASA 199 former rebels o mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF sa CARAGA ang nakatanggap ng ayuda mula sa ilalim ng Enhance Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng pamahalaan.

Ginawa ang turn-over ceremony sa Datu Lipus Makapandong Cultural Center, Prosperidad, Agusan del Sur sa pangunguna ni DILG Sec. Benhur Abalos.

Ayon kay Abalos, pinatitiyak sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na aalagaan ng pamahalaan ang dating CTGs at tiyakin na may pamahalaan na handang umalalay sa kanilang pagsuko.

“Kailangang iparamdam namin na hindi kayo nagkamali sa pagsuko at pagbabalik-loob sa gobyerno. Kailangang maramdaman ng bawat isa na tayo ay nasa iisang bansa,” ani Abalos.

Makatatanggap ang mga ito ng livelihood, educational and agricultural assistance mula sa pamahalaan.

Sa buong bilang ng surrenderees, 169 ay mula sa Agusan del Sur, 4 mula sa Agusan del Norte, 24 sa Surigao del Norte at 2 mula sa Butuan City.

Makatatanggap ang mga ito ng livelihood, educational and agricultural assistance mula sa pamahalaan.

“Tapos na ang mga araw na iniisip ninyo kung anong mangyayari bukas may pagkain ba, may makakalaban ba. Tapos na ang tinik dahil tayo ay sama-sama na,” ani Abalos.

Follow SMNI NEWS in Twitter