Former spokesperson ng NTF-ELCAC, dismayado sa desisyon ng SC vs. red tagging

Former spokesperson ng NTF-ELCAC, dismayado sa desisyon ng SC vs. red tagging

DISMAYADO si former NTF-ELCAC Spokesperson Ret. Gen. Antonio Parlade sa naging desisyon ng Supreme Court (SC) na pumapabor sa petisyon ni dating Bayan Muna Representative Siegfried Deduro.

Si Deduro ay inakusahan ng ilang miyembro ng militar bilang isang ranggo na miyembro ng CPP-NPA.

At taong 2020, nagsimula ang reklamo ni Deduro makaraang kumalat na mga poster sa Iloilo City kung saan nakapaskil ang kaniyang larawan at may label na kriminal, terorista, at miyembro ng mga komunistang grupo.

Ngunit, hindi kinatigan ng Iloilo Regional Trial Court ang hirit nito na Writ of Amparo matapos ireklamo ang ilang sundalo ng red-tagging.

Sa desisyon ng Supreme Court en banc, binaligtad nito ang desisyon ng Iloilo Regional Trial Court at inatasang magsagawa ng summary hearing para masigurong mapapakinggan nang patas ang hirit ng petitioner na nagreklamo ng red-tagging at inakusahang miyembro ng CPP-NPA.

Ayon din sa Korte Suprema, maaaring magdulot ng panganib sa seguridad at buhay ng isang tao ang red-tagging.

Bagay na kinontra naman ni Parlade.

Ayon pa sa dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC, mas nalalagay sa panganib ang buhay ng mga nagbalik-loob sa pamahalaan na dating kasapi ng mga ito.

Samantala, may payo naman si Parlade sa pamahalaan upang mapatunayang bahagi ng komunista at terorista grupo ang isang indibidwal.

Bukod dito, dahil sa naging desisyon ng korte, hinimok ni Parlade na palakasin pa ang legal cluster ng NTF-ELCAC.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble