Four-lane toll road project na TPLEX, binuksan na sa mga motorista

Four-lane toll road project na TPLEX, binuksan na sa mga motorista

BINUKSAN na para sa mga motorista ang 89.21-km Tarlac-Pangasinan-La Union-Expressway (TPLEX).

 

Kahapon ay pinangunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), San Miguel Corporation (SMC) at ng ilang opisyal ng pamahalaan ang pagbubukas ng TPLEX.

 

[su_video url=”https://smninewschannel.com/wp-content/uploads/2020/07/TPLEX-VIDEO.mp4″]

 

Sa naturang kalsada, kung dati tatlong oras at kalahati ang biyahe, isang oras na lang ang travel time mula Tarlac patungong Rosario.

 

Ang Metro Manila-to-Baguio na noon ay anim na oras ngayon ay  tatlo at kalahating oras na lang.

 

Ayon kay SMC President and Chief Operating Officer Ramon Ang,  sa pamamagitan ng nabanggit na four-lane toll road project ay mapabibilis ang pagbyahe mula at pabalik sa mga probinsya ng Northern Luzon, at makatutulong ito upang palakasin ang economic activity sa ilang rehiyon rito.

 

Samantala, kinumpirma rin ni Ang ang konstruksyon ng New Manila International Airport sa Bulacan na magsisimula sa buwan ng Oktubre.

 

SMNI NEWS

 

BONUS OFFER

Leave a Reply

Your email address will not be published.