FPRRD at iba pang personalidad, bibigyan ng parangal sa 2023 APPCU

FPRRD at iba pang personalidad, bibigyan ng parangal sa 2023 APPCU

PARARANGALAN si Former President Rodrigo Roa Duterte at iba pang personalidad sa 2023 Awards for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU) sa darating na Hunyo.

Anim na indibidwal mula sa pampubliko at pribadong sektor ang pararangalan sa APPCU three stage selection mula sa mga nominado ngayong taon.

Mayroong 3 kategorya para sa nasabing award, kabilang na ang Hall of Fame category.

Sa ilalim ng kategoryang ito, kinikilala ng APPCU ang malaking ambag na nagawa ng isang kilalang indibidwal sa ugnayan ng Pilipinas at Tsina.

Samantala, mayroon ding outstanding contributions category kung saan ang mga indibidwal na hindi gaanong kilala ngunit nagkaroon ng malaking kontribusyon para sa ugnayan ng dalawang bansa, at ang major contributions category na kinikilala naman ang mga indibidwal na nagkaroon ng malaking kontribusyon sa partikular na komunidad.

Ngayong taon ang ang Hall of Fame awardees ng APPCU ay sina former President Rodrigo Roa Duterte at Former Special Envoy of the President to the People’s Republic of China. Ambassador Carlo Chan.

Ang mga awardee naman sa outstanding contributions category ay sina Ambassador Rigoberto Tiglao, isang columnist sa Manila Times at Dating Ambassador to Greece and Cyprus, Dr. Jaime Cruz, Dating Special Envoy sa People’s Republic of China, Trade and Investments.

Ang awardees naman para sa major contributions category ay sina Regina Rosa Tecson, director ng satellite office ni Vice Pres. Sara Duterte sa Davao City, at Jose Ong Tan, dating president ng APCU Baguio at dating chairman ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce sa Baguio City.

Ngayong taon ang ikatlong pagkakataon ng APPCU na magbibigay ng mga parangal.

Mas pinalawig na ng members ng board at committee ang pagkilala sa mga karapat-dapat na indibidwal na nagkaroon ng malaking kontribusyon para mas palalimin ang ugnayan ng Pilipinas at China.

Ang anim na indibidwal ay nakatakdang bigyan ng parangal ng
APPCU sa ikawalo ng buwan ng Hunyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter