FPRRD ‘di pasimuno ng pag-aklas laban sa gobyerno

FPRRD ‘di pasimuno ng pag-aklas laban sa gobyerno

MAINAM na kumonsulta sa isang abogado ang sinumang nagsasabing pasimuno ng pag-aaklas laban sa gobyerno si Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa katunayan ayon kay Dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, hindi nga sang-ayon si FPRRD na magsagawa ng panibagong EDSA Revolution sa kabila ng kaguluhan ngayon sa politika ng bansa.

Tugon ito ng dating chief presidential legal counsel sa pahayag ng isa aniyang mambabatas kaugnay sa panawagan ni dating FPRRD sa mga sundalo.

Mapapansing kamakailan ay tinanong ni Duterte kung magpapatuloy pa ba sa pag-suporta ang mga sundalo sa isang pangulo ng bansa kung alam nilang ‘adik’ ito.

Ani Atty. Panelo, ipinapaalala lang ng dating pangulo sa mga sundalo ang kanilang tungkulin na protektahan ang publiko mula sa ‘internal’ at ‘external’ attacks maging sa kung sino na lumalabag sa mga batas ng bansa.

Dagdag din ng butihing abogado, ang paalala na ito ni FPRRD ay bahagi ng tinatawag na ‘freedom of speech’.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter