ISA si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginawaran ng Juris Doctor Degree ng San Beda College of Law na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC), Martes ng hapon.
Si Pangulong Duterte ay nagtapos sa San Beda College Batch 1972.
Kabilang din sa ginawaran ng Juris Doctor Degree sina dating Executive Secretary Salvador Medialdea at dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.
Sina Medialdea at Aguirre ay parehong naging bahagi ng gabinete ni Pangulong Duterte.
Kasama rin sa ginawaran ng Juris Doctor ang mga nagtapos sa San Beda College of Law mula taong 1952-2018.