FPRRD, hindi na tatakbo sa anumang national post

FPRRD, hindi na tatakbo sa anumang national post

MULING sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hinding-hindi na siya tatakbo para sa anumang national post.

Sinabi ito ni dating Pangulong Duterte sa isang pagpupulong kasama ang ilang Duterte supporters sa Davao kamakailan.

Paliwanag ng dating pangulo, matanda at pagod na siya kung kaya’t hindi niya na binabalak pa ang isang national position.

Sakali mang tatakbo, hanggang mayor na lang aniya siya.

Ilang buwan na rin ang nakaraan nang unang sinabi ni dating Pangulong Duterte na nakasusuklam na rin ang makialam sa kasalukuyang politika ng bansa.

Follow SMNI NEWS on Twitter