FPRRD, ilan pang dating bise-presidente, dadalo sa SONA

FPRRD, ilan pang dating bise-presidente, dadalo sa SONA

KINUMPIRMA ni House Secretary General Reginald Velasco na dadalo si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Lunes, Hulyo 24.

Sa panayam ng SMNI News kay Velasco, kasama rin sa dadalo ang mga dating bise-presidente ng bansa na sina Jejomar Binay at Noli de Castro.

Nag-decline naman sa imbitasyon si dating Vice-President Leni Robredo.

Kumpirmado naman ang attendance ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ngayon ay deputy speaker na ng Kamara.

Samantala, sinabi rin ni Velasco na 100 percent nang handa ang Kamara para sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter