FPRRD, itinanggi ang isyu ng destabilization plot vs Marcos admin

FPRRD, itinanggi ang isyu ng destabilization plot vs Marcos admin

NILINAW ni Former President Rodrigo Roa Duterte sa programang “Gikan sa Masa Para sa Masa” kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy na hindi niya alam paano siya nadawit sa isyu ng destabilization plot laban sa administrasyong Marcos.

Ibinahagi ni dating Pangulong Duterte, nang makasama niya ang mga retiradong heneral, wala naman silang ibang napag-usapan kundi ang isyu ng korapsiyon sa mga institusyon ng bansa.

Ang isyung ito ay umugong kasunod ng mga ulat na umano’y na-misquote ang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si General Romeo Brawner, Jr. sa kaniyang pahayag na inilabas kaugnay sa mga nagpaplanong patalsikin ang Pangulo sa posisyon.

“I really do not know how I was dragged into this. But you know, as a former employee of the government, I remember talking to some of the retired generals.”

“Ang sinabi ko lang naman doon, among others, but the really important point in my discussion was; As long as there is no serious issue of corruption.”

“And as a former President, kayong mga retired generals, maybe they have quoted me ng ganun. Pero sabi ko nga eh bring it out in the open, when we talk about kudeta or changing government by force, you talk about it openly, para walang duda,” ayon kay Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon pa sa dating Pangulo, dapat ay alam ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kung ano ang mga institusyon ng gobyerno na puno ng korapsiyon upang agad itong matuldukan.

FPRRD, nagbigay ng payo sa Marcos admin vs korapsiyon

Samantala, inihayag ni Duterte na hindi niya masasabi na korap ang kasalukuyang Pangulo, ngunit nagbigay ng payo na dapat na magbigay ng utos si Pangulong Marcos upang tuluyan nang mawala ang mga anay ng gobyerno na patuloy na nilulustay ang pera ng taumbayan.

“Pero ang pinaka-issue talaga na mabigat, ‘pag may corruption sa gobyerno and it’s rampant, uncontrolled and unabet, (‘yung walang magko-control) pero as long as there is the sense of…At least may Ombudsman, taong bayan, or the president himself, he should know—the President should know because he has at his disposal every information that he can use to counter the threats to democracy.”

“So, walang problema ‘yan, Marcos should know kung saan ‘yung mga weak points especially corruption, doon siya mag-concentrate. Marcos, wala akong masasabi, I would not say that He is corrupt. Pero siya lang. Pero I will not, I cannot make any categorical statement for the others,” dagdag ni FPRRD.

“Granting that, or assuming na totoo ‘yan o hindi, all he has to do is, or any other government na ano, isang sabi mo lang “do not do it”, or if it is a contract amounting to billions, itong mga government-owned corporation. Sabihin mo lang padala mo ‘yung justification mo for approving or disapproving a contract. Para malaman ko kung… madali lang man,” ayon sa dating Pangulo.

FPRRD, binigyang-diin na korapsyion ang madalas na dahilan ng planong kudeta vs gobyerno

Ayon pa kay dating Pangulong Duterte, ang isyu ng kudeta ay palaging naiuugnay sa korapsiyon dahil hindi na ito makontrol.

Nagbigay naman si FPRRD ng payo na maaaring utusan ni Pangulong Marcos ang militar ukol sa bagay na ito.

“Pero ‘yan ang… talking about kudeta or a violent overthrow of government, historically dito it’s always corruption. Abuse of authority, uncontrolled—’yung mga abuses na hindi talaga napipigilan. So, simple lang ‘yan isang salita [lang] ng presidente ‘yan, maniniwala naman lahat.”

“And there’s always the military na mautusan niya na kindly… because upon his orders the military can always intervene,” ani FPRRD.

Samantala, matatandaang nilinaw naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nananatili silang tapat sa kanilang tungkulin na itaguyod ang Konstitusyon at hindi kailanman sasali sa kahit anumang mga kilusan laban sa pamahalaan.

Follow SMNI NEWS on Twitter