FPRRD, maayos na ang kalagayan matapos aksidenteng nadulas sa kaniyang bahay

FPRRD, maayos na ang kalagayan matapos aksidenteng nadulas sa kaniyang bahay

NASA maayos na kalagayan na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos aksidenteng nadulas sa kuwarto ng kaniyang bahay.

Nitong Biyernes, Nobyembre 3, 2023 ay sinamahan siya ni Sen. Christopher “Bong” Go sa Davao Doctors Hospital para magpa-check-up.

Ayon kay Sen. Go, nagpapasalamat siya sa Diyos dahil walang anumang kumplikasyon at nasa maayos na lagay na ngayon si Tatay Digong matapos magpa-X-ray.

“Salamat sa Diyos, ok naman ang X-ray ni Tatay Digong,” ayon kay Sen. Christopher Go.

Sa kabila ng pangyayari, game na game pa rin ang dating Pangulo at ang senador sa pakikipag-picture sa ilang medical frontliners at mga staff sa ospital.

Buong puso ring nagpasalamat si Sen. Go sa lahat ng medical frontliners dahil sa kanilang serbisyo at sakripisyo lalo na noong panahon ng pandemya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter