FPRRD mananatiling mayoral candidate sa Davao City—COMELEC

FPRRD mananatiling mayoral candidate sa Davao City—COMELEC

MANANATILING mayoral candidate sa Davao City si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon ito sa Commission on Elections (COMELEC) kahit pa nasa Netherlands na si FPRRD matapos arestuhin noong Marso 11, 2025.

Paliwanag ng poll body, matatanggal lang bilang kandidato ang isang indibidwal kung aatras ito sa kaniyang kandidatura.

Matatanggal lang din bilang kandidato kung nahatulan na ang isang indibidwal sa ilalim ng pinal na desisyon sakaling may kinakaharap itong kaso.

Ang pagka-aresto ni FPRRD ay batay sa kagustuhan ng International Criminal Court (ICC).

Matatandaang may nakahaing reklamo laban sa dating pangulo sa ICC dahil sa umano’y extrajudicial killings noong ipinatutupad niya ang kaniyang drug war campaign sa pagitan ng taong 2016 hanggang 2022.

Umalis si FPRRD sa Pilipinas noong Marso 11, 11:00 ng gabi, at nakarating ito sa Netherlands nitong Marso 12, 4:56 p.m. (oras sa Netherlands) o 11:56 p.m. sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble