FPRRD, may pahayag ukol sa posibleng sabwatan ng CHR at ICC

FPRRD, may pahayag ukol sa posibleng sabwatan ng CHR at ICC

IPINAGKIBIT-balikat ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte ang pahayag ng Commission on Human Rights (CHR) matapos nitong sabihin na handa itong makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) ukol sa pagpupumilit na pag-imbestiga sa kaniyang war on drugs campaign.

Ayon kay Commission on Human Rights (CHR) chairperson Richard Palpal-latoc,  mayroong mandato ang CHR bilang isang independent office kaya naman handa silang makipagtulungan sa ICC sa imbestigasyong ito.

Matatandaang iginigiit ng ICC ang kanilang hurisdiksiyon kahit pa opisyal nang nag-withdraw ang Pilipinas bilang miyembro ng nasabing banyagang korte noon pang 2019.

At kahit tinuldukan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang pakikipag-usap ng Pilipinas sa ICC, sinabi ni Palpal-latoc na maaari pa rin ibahagi ng CHR ang mga nakalap na ebidensiya sa Hague-Based Court.

“We’re done talking with the ICC. Like what we have been saying from the beginning, we will not cooperate with them in any way, shape, or form,” ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

FPRRD sa CHR: Walang nagawa, walang naipakulong kahit isa

Ngunit itinuring lamang na isang lumang komedya ni dating Pangulong Duterte ang mga pahayag ni Palpal-latoc, at sinabing walang magagawa ang CHR sa kahit anumang uri ng imbestigasyon.

“Old comedy actually, Palpal-latoc could partner with anybody outside of the Philippine territory I don’t mind. ‘Yang CHR, wala ‘mang nagawa, wala ngang napakulong ni isa e’. Wala man silang nakitang patay. Ano ang nakita nilang extrajudicial killing, muingon patay na magkalaban na nag-away itatapon nila sa atin,” ayon kay Dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

FPRRD sa CHR: Marami kayong daldal

“Marami kayong daldal, e’ kug magulo ang bayan sa mga criminal,” ayon pa kay FPRRD.

Nanindigan din ang dating Pangulo sa kaniyang mga nagawang desisyon sa panahon ng kaniyang administrasyon.

“Human rights, ang titigas ng ulo niyo. Mabuti na lang 6 years lang ako na presidente. Totoo ‘yan. Human rights makinig kayo, hindi ko palulusutin ‘yan. I said it once and I said it twice and I would say it again. Do not destroy my country. Do not destroy our children because I will kill you. Kung hindi mo pa naintindihan ‘yan,” dagdag ng Dating Pangulo.

Isa sa mga binigyang halimbawa ni Duterte ang matinding problema ng Estados Unidos sa paglaganap ng droga na nagdulot ng matinding epekto sa lipunan at pamumuhay ng bawat Amerikano.

Iginiit din ng dating Pangulo na hinding-hindi siya papayag na masira ng ilegal na droga ang bansa lalo na sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

“‘Nung nag-warning ako because the greatest danger talaga na nakita ko noon.”

“Buti na lang medyo, drugs, talagang sisirain tayo ‘dyan, buti America mayaman.”

 “Pagka pumasok ‘yan dito na napaka mura, madaling gawin, madali maluto, mura so ‘yan ang kakainin ng mga Pilipino, and a lot of zombies around. You’d never really think that it could happen to a powerful country such as America,” pahayag pa ni FPRRD.

Pamumuno ni FPRRD, naging regalo para sa mamamayang Pilipino—Pastor ACQ

Samantala, pinuri ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang dating Pangulo sa mga achievements, paninindigan, at sakripisyo upang sugpuin ang ilegal na droga, krimen, at pati na rin korapsiyon sa kaniyang panahon.

“’You are the only president who… Will lay down his life for his friends. We thank you for those times,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.

Follow SMNI NEWS on Twitter