FPRRD, may pangangaral sa usapin ng prinsipyo matapos magbitiw si Cong. Gonzales sa PDP-Laban

FPRRD, may pangangaral sa usapin ng prinsipyo matapos magbitiw si Cong. Gonzales sa PDP-Laban

NAG-komento si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isyu ng resignation ng kasama niyang kongresista sa partido PDP-Laban.

“Before I will answer, I will resign now as member and officer of PDP-Laban. The former President, former President Rodrigo Roa Duterte the one who said that Mr. Chairman,” ayon kay Rep. Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr., Pampanga 3rd District.

‘Yan ang biglaang pagbibitiw ni Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Dong Gonzales nang maipit sa tanong ni Liberal Party President Edcel Lagman.

Tanong kasi ni Lagman, kung sino ang sinasabing personalidad na sumisira sa imahe ng Kamara.

Pero dahil nga miyembro pa ito ng PDP-Laban, nag-resign na muna si Gonzales bago sagutin ang tanong at ituro si dating Pangulong Duterte na siya ring chairman ng PDP.

Para kay PDP-Laban President Jose Chavez Alvarez, matagal nang nagparamdam si Gonzales na mag-resign sa partido.

“Ahh mga few days ago, they were already intimating to me na. Since nangyari nang public kahapon na nag-resign siya, naipit man siya dito sa plenary so atin na lang tanggapin na nag-resign siya,” saad ni Rep. Jose Chavez Alvarez, President, PDP-Laban.

Nilinaw naman ni Alvarez ang posisyon ng partido hinggil sa House Resolution 1414 bilang pag-suporta sa liderato ni Speaker Martin Romualdez.

Lalo pa’t miyembro ng majority ang PDP-Laban.

Mahigit sa 25 kongresista pa ang miyembro ngayon ng PDP-Laban.

“That is the sentiment kahapon, siyempre babalik kami sa drawing board kung ano ba talaga? So pabayaan muna natin for cooler heads to prevail. Di ba? Kaysa mag-comment comment tayo ngayon eh wala namang paroroonan yan… Ang layo pa ng eleksyon eh,” dagdag ni Alvarez.

Kung si dating Pangulong Duterte naman ang tatanungin bilang chairman ng PDP-Laban, iginagalang niya ang resignation ni Gonzales.

“I respect his decision to go out of the party, and I would encourage that those who are not in tune with us or hindi niyo nagustuhan, you’re always welcome to go out, wala naman akong ano… Even if I remain to be the only one na PDP, okay lang sa akin, wala akong problema,” pahayag ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Diin pa ng dating Pangulo na ayos lang din sa kaniya kung umabot sa punto na mag-isa na lang siya sa PDP-Laban.

Mahalaga rin aniya ang prinsipyo sa usapin ng party politics.

Bilang abogado, dating fiscal, mayor at Presidente ng Pilipinas, mabigat kay Duterte ang usapin ng prinsipyo.

Isang katangian na dinala niya sa serbisyo-publiko hanggang sa ngayon.

Usaping napapanahon matapos ang resignation ng isang miyembro ng partido

“Ang importante kasi dyan ‘yung prinsipyo. It’s not just the party, ‘yung party principles, importante iyan. But the most important is ‘yung tao. Kung may prinsipyo ka magkakaintindihan talaga tayo. Ngayon kung wala kang prinsipyo sa buhay, basta papayag ka lang just because it is wrong or because of pakikisama, or you do the wrong thing, do not expect me to clap my hands every time you make a stupid thing there. Tutal ako, I’ve been mayor for 23 years, congressman, then president, vice mayor. So, wala man akong tinatago,” ayong pa kay FPRRD.

Follow SMNI NEWS on Twitter