FPRRD, muling binantaan ang mga sangkot sa iligal na droga; Mga magtatayo ng laboratoryo sa Davao City, hindi makalalabas nang buhay

FPRRD, muling binantaan ang mga sangkot sa iligal na droga; Mga magtatayo ng laboratoryo sa Davao City, hindi makalalabas nang buhay

MAY babala si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga magtatangkang magtayo ng laboratoryo ng iligal na droga sa lungsod ng Davao.

 “What will you do Mayor if you find out that there is a laboratory of shabu in your city?” My answer, they will not go out of this city alive,” ayon kay dating Pangulong Duterte.

Ito ang diretsahang sagot ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte Lunes Enero 30, sa pinakabago nitong programa sa SMNI na ‘Gikan Sa Masa, Para Sa Masa’ hinggil sa usapin ng droga.

Bagamat hindi na nakaupo sa gobyerno ang dating Pangulo, may banta pa rin ito sa mga magtatangkang magtatayo ng laboratoryo ng droga sa lungsod ng Davao.

“I’m warning now again, I may not be a government employee now, I’m retired but I’m just giving this warning to everybody. Do not do it in my city. Do not do it in Davao City. I’d use the dialect. Ayaw ninyo’g huna-hunaa nga ako dili na empleyado sa gobyerno, nga wala na ko’y poder, I’m not authorized to enforce the law,” dagdag ng dating Pangulong Duterte.

Ani Duterte, mayroon namang ‘citizen arrest’ kaya maaari pa rin nitong maipakulong ang mga gagawa ng krimen na nais tumakas.

“You know, beyond those words, there is always the citizen arrest, that any citizen can effect an arrest if you see a criminal doing his act in your presence or just immediately after committing the crime who try to escape. I, as a citizen of this city can go after you, arrest you. If you want to be brought to the police station, to arrive there, well and good. If you want your body delivered to the funeral parlor, I’ll get the commission,” aniya pa.

Babala ni dating Pangulong Duterte sa mga magulang na disiplinahin ang kabataan at ‘wag siyang sisihin sakaling ‘madisgrasya’ ang mga ito dahil sa iligal na droga.

“Basta ayaw ninyo ug buhata, ayaw ko ug mahaya, kamong mga ginikanan, mga igsuon, inahan, amahan, lolo ug lola, paningkamuti gyud nga mabadlong ninyo ang inyong anak, apo kay kung musulod na’g droga, madisgrasya, do not blame me,” dagdag pa ni FPRRD.

Follow SMNI NEWS in Twitter