FPRRD, nagbigay reaksiyon ukol sa P20 kada kilo na bigas

FPRRD, nagbigay reaksiyon ukol sa P20 kada kilo na bigas

SINAGOT na ni dating Pangulong Roa Rodrigo Duterte kung ano ang kaniyang pahayag tungkol sa layuning mapababa ang presyo ng kada kilo ng bigas sa halagang P20 pesos lamang.

Kasunod ito nang nagkaroon na ng bisa ang rice price ceiling sa bansa alinsunod sa Executive Order 39 na layunin na pansamantalang limitahan sa presyo na P41 kada kilo para sa regular milled rice at P45 kada kilo naman para sa well-milled rice.

Ayon sa EO 39, mayroong sapat na suplay ng bigas sa bansa dahil sa mga recent imports at ang inaasahan na surplus mula sa lokal na produksiyon.

Ngunit tumataas ang presyo nito dahil sa laganap na illegal price manipulation katulad ng hoarding ng mga mapagsamantalang rice traders at pakikipagsabwatan nito sa mga rice cartels, lalo na tuwing lean season.

Nakapaloob din sa executive order ang epekto ng Russia-Ukraine conflict, pagpapataw ng ban ng rice exports ng India, at ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado bilang mga dahilan ng pagtaas ng retail prices ng mga pangunahing bilihin.

Sa isyu na ito, sinabi ni dating Pangulong Duterte na may kinalaman ang law of supply and demand ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa Pilipinas at dahil sa nauubusan na ng mga bansang nagpo-produce nito, dahil paliit na nang paliit ang merkado sa Asya.

“Law of supply and demand, that’s the rule. Mas maraming bigas, mas mura. Kasi maging basura ‘yan kung hindi maubos eh, so that is really a question of supply and demand. Now the supply is naubusan na nga tayo ng rice producing countries, it’s getting smaller sa market, wala na silang masyadong land to till, wala tayong Southeast Asia ganun. So pataas talaga nang pataas, pati inflation, in the fullness of God’s time, aabot ito ng mga 90 walang bumaba na, ang inflation will always go up as the years would come,” ayon kay FPRRD.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Duterte na kahit na magkaroon pa ng hoarding, ay tataas pa rin ang presyo ng bigas sa bansa.

“Well by any language, by any economic standard, by any country, hoarding is really a criminal act. You create an artificial shortage intended to raise the prices up, kasi kunin mo, itago mo palabas ka lang para mag-agawan ‘yung tao, magbili. By any standard that is really illegal. Pero kaya nga illegal kasi kulang. Kasi kung marami ‘yan, maraming bigas maski anong tago mo, wala namang magsilbi ‘yan kung meron talagang available. It’s the question of supply and demand. Mataas talaga ang, noon pa ‘yan, high school pa ako tumaas na nang tumaas hindi na bumaba ‘yan kailanman.”

“So we should not expect that it will go into a plateau for a period of time, it’s erratic, but the erratic is a forward, upward pa ganun, baba dito pero tuluy-tuloy ‘yan. Sometimes it goes down a little bit, it’s always the inflation. The economic order of the world is not good. America seems to be the leading country na hindi rin maganda. So kung umiikot lang tayo dyan sa dollar, ’yan ang mahirap. Magkano ba ang dolyar? Para sa atin,” ayon pa kay FPRRD.

Samantala, nang tanungin ni Pastor Apollo C. Quiboloy kung maaaring mapababa ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo, ang sagot ng dating Pangulo:

“So mayor maging imposible siguro ang bigas maging 20 pesos per kilo? Posible?” tanong ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.

“That’s a..dreaming ka dyan. Masyadong mababa rin ‘yan. By our standard now the way fertilizer lahat, masyadong mababa ‘yan. It’s a realistic value sa market. The law of supply and demand sa market, it would be a round,” tugon ni FPRRD.

Matatandaan na bagama’t mayaman sa lupang agrikultura ang Pilipinas, ay pumapangalawa ito sa pinakamalaking importer ng bigas sa mundo. Sa katunayan, noong nakaraang taon, ay 90 porsiyento ng inimport na bigas ng Pilipinas ay nanggaling sa Vietnam, samantalang ang natitirang 10 porsiyento ay galing sa Thailand.

At dahil nagpataw na ng rice export ban ang India— na siyang pangunahing producer ng bigas sa mundo, inaasahan na magkakaroon ng matinding epekto ito sa pandaigdigang merkado.

“Nag-ban na sila sa pag-export ng rice nila,” dagdag ni Pastor Apollo.

“ Kulang eh,” ani FPRRD.

“Kulang noh, para du’n sa kanila,” saad ni Pastor Apollo.

“Because of the land. Ganu’n din ang isyu sa kanila. It’s always development, it’s agriculture, commercial. Ang Pilipinas, forestal, and then you graduate to agricultural then you go into commercial category,” saad ng Dating Pangulo.

Nang tanungin naman ni Pastor Apollo kung ano ang maaaring hakbang sakaling magkaroon ng food crisis sa bansa, ang sagot ng dating Pangulo:

“Well, kung mayroon pa sa current supply whether locally produced or bought, edi i-hold mo muna, mag-embargo ka. Meaning to say that ‘yung mga warehouses, kontrolado mo na. Computed mo na kung ilan diyan ang nakalagay. So that overall, kuha mo ‘yung totality of the supply and you can come up with either if it’s a private thing, bilhin mo karamihan ganu’n talaga or mag-import ka ganito ang presyo pero ang pagbili mo, mababa.”

“Ibig sabihin kung siguro preparado kang to lose about in a transaction diyan sa bigas, we are ready to lose about 3 billion to subsidize… magpalugi ka na lang para makakain ‘yung tao,” diin ni FPRRD.

“Ang government ang gagawa nu’n, mayor? tanong ni Pastor Apollo.

“Oo. Ganu’n ang gawin ng gobyerno,” ani Duterte.

“That’s the remedy, Mayor?” tanong ni Pastor Apollo.

“Oo, pag hindi, mag-rebolusyon ang tao gutom ang tiyan,” tugon ni Duterte.

“Oo, kasi gutom ang tao eh. In your time during the pandemic, Mayor that was very, very hard,” ayon pa sa butihing Pastor.

“Wala, sa awa ng Diyos. Steady man,” ayon kay Duterte.

Matatandaang inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Department of Social Welfare and Development ang pagdistribute ng ayuda sa ilang mga rice trader at retailer na maaapektuhan ng rice price cap.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble