FPRRD nasa mga kamay na ng ICC

FPRRD nasa mga kamay na ng ICC

NASA kustodiya na ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Netherlands, lumapag ang chartered flight RP-C5219 na sinasakyan ni Duterte sa Rotterdam Airport bandang 4:56 PM Central European time o 11:56 PM, sa Pilipinas nitong Miyerkules, Marso 12, 2025.

Isang ICC nurse naman ang nakipag-ugnayan sa personal na nurse ng dating Pangulo para sa impormasyon ukol sa kaniyang medikal na kondisyon at pangangailangan.

Ipinasa na rin si Duterte sa ICC medical doctor para sa agarang medikal na pagsusuri sa kaniyang pagdating sa ICC detention center.

Tinitiyak ng embahada na nabigyan ng kinakailangang consular assistance si Duterte at ang kaniyang delegasyon.

Nagbigay rin sila ng angkop na kasuotan para sa malamig na klima doon, bagong damit, at care packages.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble