NILINAW ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wala siyang sinabing “adik” si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Aniya, “gumagamit” ng droga ang kaniyang sinabi at hindi rin naman niya tinukoy ang anumang ilegal dahil general na uri ng drugs ang kaniyang ipinupunto.
Halimbawa ani FPRRD dito ay antibiotic, aspirin at iba pa.
Samantala, hinggil sa pagnanais ng International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang kaniyang drug war campaign, sinabi nito na nasaan ang naturang hukuman noong laganap pa ang ilegal na droga sa bansa.
Puro panghihimasok lang aniya ang ginagawa nito at hindi tumutulong.