INILABAS na ng data research firm na Tangere ang resulta ng kanilang isinagawang senatorial survey para sa 2025 elections.
Sa naging survey noong Enero 10-12, 2024, nakakuha si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng 62% voters support kung kaya’t ito ang nangunguna sa listahan.
Pumapangalawa si ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo na may 56.96%; pangatlo si dating Tito Sotto, III na may 48%; Sen. Christopher ‘Bong’ Go na may 46.79%; at dating Manila Mayor Isko Moreno na may 45.04% para sa ikalimang puwesto.
Pasok din sa top 10 si dating Sen. Manny Pacquiao na may 43.79% para sa ika-anim na puwesto; Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na may 42.92% para sa ika-pitong puwesto; Sen. Pia Cayetano na may 40.71%; Sen. Imee Marcos na may 39.83%; at Doc. Willie Ong na may 39.38%.