FPRRD sa pagbitiw ni Vice President Sara sa Lakas-CMD: Parang ‘di nagustuhan ni Inday ‘yung ginawa nila kay GMA

FPRRD sa pagbitiw ni Vice President Sara sa Lakas-CMD: Parang ‘di nagustuhan ni Inday ‘yung ginawa nila kay GMA

NATANONG si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung ano ang reaksiyon nito sa mga galawang politikal ngayon ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte sa kaniyang programa sa SMNI News.

Lalo na sa resignation ni VP Sara bilang chairman ng partido Lakas-CMD.

“Well, let us be frank with each other. I am not a party member iba ang akin PDP ako eh. But from the looks of it, parang hindi nagustuhan ni Sara yung, ni Inday yung ginawa nila kay President Arroyo, former President,” tugon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ilang araw bago ang resignation nito sa Lakas, nauna namang tinanggal bilang senior deputy speaker ng 19th Congress si Arroyo.

Si Arroyo ang president emeritus ng PDP-Laban.

Habang si Speaker Martin Romualdez naman ang pangulo ng Lakas.

Kung titignan ang mga nangyari, lumalabas na hindi nakonsulta si VP Sara sa pagkatatanggal kay Arroyo.

Narito naman ang assessment ni FPRRD sa relasyon nina Arroyo at VP Sara.

“Hindi naman yan sila close actually, pero noong nagsama sila she won under that banner Lakas-CMD mukhang she might have felt obligation as a party member to just come out openly but for her to take the extreme step  of resigning, mukhang malalim ang ano,” ayon pa kay FPRRD.

Pagkatapos ng resignation ni VP Sara sa Lakas, nagkita naman sila ni Sen. Imee Marcos sa Davao City.

Malayo pa ang 2028 elections pero mukhang ngayon pa lang ay mainit na ang pulitika.

Sa kasaysayan ng bansa, may babae nang naging Pangulo at Ikalawang Pangulo ng bansa.

Pero hindi pa nagkakaroon ng parehong babaeng Presidente at Bise-Presidente.

Kung ano kaya ang susunod na hakbang ni VP Sara, saad ng kaniyang ama.

“There is more to it than meets the eye. Or it, or there’s more to it than meets the eye. Or you have to pronounce it correctly. There’s more to eat, anong kakainin natin eh?” dagdag ni FPRRD.

Follow SMNI NEWS in Twitter