FPRRD sa pagkalas ng mga miyembro sa PDP-Laban: Kahit pa ako na lang ang maiwan, tatayo akong mag-isa

FPRRD sa pagkalas ng mga miyembro sa PDP-Laban: Kahit pa ako na lang ang maiwan, tatayo akong mag-isa

MANININDIGAN at tatayong mag-isa, ‘yan ang posisyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nangyayaring paglipat ng mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na nasa Kamara sa ibang partido.

Sa usapin ng demokrasya, sinabi ni FPRRD na hindi ito masasabing demokrasya kung walang pagtutol.

Ito ang naging pahayag ni dating Pangulong Duterte sa kaniyang programang Gikan sa Masa Para sa Masa kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy nitong Nobyembre 15 matapos ang sunod-sunod na pagkalas ng mga miyembro ng PDP-Laban na pinamumunuan nito.

“Wala naman nagsasalita against sa inyo eh, naglipatan na kayo lahat eh. PDP? Walang naiwan.”

“Maski mag-isa ako, even if I stand alone. Whether it is really… nagustuhan ng tao o hindi? In a democracy, there must be decent. Without decent, there is no democracy.

“If you are not allowed to disagree, there is no democracy. Period. Maski anong political science, pag-aralan mo diyan,” pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Maliban sa hindi tapat at walang prinsipyo, takot na mawalan ng proyekto ang dahilan kung bakit nagsilipat ang mga ito ng partido ayon sa dating Pangulong Duterte.

“Mayor, naubos na ‘yung sa PDP na under sa iyong party, is it takot silang mawalan ng project?” tanong ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

“Oo, wala ngang project.”

“Sweldo lang, so para silang sweldado na nakaupo lang wala silang maibigay dun sa constituency [halimbawa] sa first district… mayor eskwelahan, congressman eskwelahan, congressman yung tubig natin na ano hindi ka man makahingi dun… ang maka control mag-isang speaker,” tugon naman ni FPRRD.

“It is not really loyalty, is just convenience. So, ‘yung sinabi mong you cannot rule without prinsipyo, yung sayo ngayon prinsipyo. Meron o wala you have to stand… on your values,” ani Pastor Apollo.

“Ako nakaintindi ako, ‘yung lahat ng PDP, wala nang naiwan eh. Except ‘yung anak ko pati I think Ungab, kasi ka-partido ko dito eh ang talagang nagpaiwan, dalawa tatlo. Marami kaming PDP noon, lalo na noong naging presidente ako,” dagdag ni Duterte.

“Ah, lahat naglipatan ng PDP, ang PDP noon wala ni isang miyembro,” saad ni Pastor Apollo.

“Si…  Senator Pimentel, ako pati… kokonti lang kami hindi kami mag abot ng isangdaan. Nung nag presidente ako. Lipatan lahat dito, presidente nga. Maraming PDP, ganon,” ayon kay FPRRD.

“Ngayon, hindi na ako presidente, bago na. Marcos-Romualdez, magpinsan ‘yan eh. Si Romualdez, pinsan niya si… dahil ang nanay niya Romualdez,” aniya.

Nabanggit din ng dating Pangulo na bilang dating mayor ng Davao City ay may sarili itong proyekto at hindi naghangad ng anomang proyekto mula sa Kongreso.

“I enjoy it, wala akong project binibigay ng congressman. Yung project ko sa siyudad lang ang mayor may project, may pera man ang siyudad. So, may sarili akong ano… I never ah, crave for any other project na galing sa Congress. Kung magbigay sila well, Duresa is very good congressman. Garcia was, is, eh patay na eh, was si ano kasi hindi na siya,” dagdag ng FPRRD.

“Masuwerte tayo sa Davao, ‘yung three districts congressman natin, hindi corrupt,” aniya.

Matatandaang una nang inihayag ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, Deputy Secretary General for Mindanao ng PDP-Laban, na mula 65 na miyembro nang magsimula ang 19th Congress, ngayon ay nasa 15 na lamang ang nananatiling miyembro ng PDP-Laban na nasa Kamara.

FPRRD, hinangaan si Sen. Imee Marcos sa kaniyang pagiging tapat na kaibigan

Samantala, sa kabila ng naging pagkalas ng mga kongresista sa PDP ay hinangaan naman ni FPRRD si Sen. Imee Marcos sa paninindigan nito para sa kaniya na itinuturing siyang kaibigan.

“Sa, noong pumutok ito sabi niya, “I stand with the Duterte.” Kasi outside of the kulambo ‘yan siya. Kasi hindi sila magkaintindihan ng bayaw niya pati itong si Romualdez,” ani Duterte.

“Mayor sabi niya, “One good friend is worth more than a hundred relatives.” Sabi niya, you’re his good friend now,” saad ni Pastor ACQ.

“Ako I, appreciate ah Imee for, anyway in the past nagsama din kami. Ako, personally, mas maganda nga, next election ako lang ang PDP. And I will, magpapatakbo ako ng mga tao, mga Pilipino na mauutak,” diin ni Duterte.

“We are with you mayor,” ayon naman sa butihing Pastor.

“Magbigay ako ng… Kayong mga Pilipino na nakikinig ngayon, kung tatanggapin ninyo, mamimili ako (ng mga) bata na may mga prinsipyo,” ayon kay FPRRD.

Matatandaan na ang dating Pangulong Duterte ang naging daan para mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. dahil ito ay naaayon sa Saligang Batas.

Follow SMNI NEWS on Twitter