APAT hanggang anim na taon na pagkakakulong ang ipinataw na parusa ng Mababang Hukuman laban kina ACT Teachers Congresswoman France Castro, dating Cong. Satur Ocampo at iba pa matapos napatunayang guilty sa paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Batay sa desisyon ng Tagum City Regional Trial Court ay napatunayang nagkasala ang mga akusado sa ilalim ng Revised Penal Code.
Ito’y kaugnay sa nangyayari noong 2018 kung saan nakita sina Castro, Ocampo at iba pa na ibinibiyahe ang 14 na mga menor de edad sa Talaingod Davao del Norte.
Nauna diyan ay ibinasura ng korte ang depensa ng mga akusado na bahagi ng kanilang educational mission ang ginawang recruitment sa mga menor de edad.