France Castro ng ACT-Teachers Party-list, pinatatanggal ng mga katutubo bilang kongresista

France Castro ng ACT-Teachers Party-list, pinatatanggal ng mga katutubo bilang kongresista

PINATATANGGAL ng tribal leaders ng Talaingod, Davao del Norte si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro.

Si Castro ay naunang tinukoy ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang prente ng teroristang grupo na New People’s Army o NPA.

Ayon sa IP Leaders, walang karapatan si Castro na manatiling kongresista dahil convicted ito sa kasong child abuse.

‘Parang walang respeto bakit nandiyan pa siya sa kongreso?’ ayon kay Datu Allan Causing IP Leader.

Saad pa ni Datu Allan Causing malaking pasakit ang idinulot ni Castro at ng mga kasama niyang NPA recruiter sa kanilang tribu.

Diin niya, walang kapatawaran ang gulo na dinala ni Castro at ng iba pang CPP-NPA-NDF legal front sa kongreso.

Bukod kay Castro, tinukoy din ni dating Pangulong Duterte ang Gabriela, Kabataan at Bayan Muna—mga party-list na prente din ng NPA.

‘Gusto namin na marinig ang aming hinaing na matanggalan siya, mapaalis bilang congresswoman sa ating bansa or kasi parang iba talaga sa aming customary law kasi parang wala na kaming… hindi nirerespeto ang law namin,’’ saad ni Datu Causing.

Deklarado bilang persona non-grata sa tribu Obu Manuvu si Castro at iba pang leftist lawmakers.

Bukod kay France Castro, convicted din sa kasong child abuse si former Bayan Muna Rep. Satur Ocampo.

Ang kaso ay nag-ugat sa insidente sa Talaingod, Davao del Norte noong 2018 kung saan dinukot ng grupo nina Castro at Ocampo ang 14 na menor-de-edad mula sa Salugpungan School.

Ayon naman kay Atty. Israelito Torreon na sinamahan ang mga IP sa paghahain ng ethics complaint, dapat may aksyon ang Kamara sa reklamo ng IP Sector kahit may apela ang makakaliwang mambabatas.

Dapat rin ani Torreon na isalang sa imbestigasyon ang kongresista.

‘Nakikita naman namin na convicted siya sa regional trial court. Even if it’s on appeal no before higher courts but the administrative of the crimes she committed should be otherwise under investigation,’ ani Atty. Israelito Torreon Legal Counsel ng mga IP.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter