France, interesado sa Horizon 3 ng AFP Modernization Program

France, interesado sa Horizon 3 ng AFP Modernization Program

NAGPAHAYAG ng interes ang France na lumahok sa Horizon 3 ng AFP Modernization Program, at Self-Reliant Defense Posture (SRDP) Program ng Department of National Defense (DND).

Ito ay matapos ang isinagawang third iteration ng Joint Defense Cooperation Committee (JDCC) Meeting ng Pilipinas at France noong Nobyembre 8 hanggang 9 sa bansa.

Pinangunahan ang pulong nina Defense Assistant Secretary for Strategic Assessments and International Affairs Henry Robinson, Jr. at Captain Guillaume Arnoux, Director for Asia Pacific and Latin America, Directorate General for International Relations and Strategy (DGRIS), French Ministry of Armed Forces (MINARM).

Kabilang sa tinalakay sa JDCC meeting ang kanilang mutual commitment na palakasin ang defense at security cooperation bilang magkaalyado sa Indo-Pacific region.

Nagkasundo rin sila na ipagpatuloy ang education at training cooperation, at maritime-related exchanges, gayundin ang kooperasyon sa environmental security.

Follow SMNI NEWS in Twitter