France, magpapatupad ng mas maagang curfew sa 15 departments

NAKATAKDANG magpapatupad ang bansang France ng mas maagang curfew hour sa labing limang departments sa Northeastern at Southeastern ng bansa.

Ito ay upang mapigilan ang magkalat ng coronavirus disease sa mga lugar.

Magsisimula ang curfew hour sa alas-sais ng gabi mula sa naunang alas otso ng gabi ayon sa national government.

Magsisimula ang ipatutupad na bagong curfew sa araw ng Sabado, Enero 2, oras ng lugar.

Ang France ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Western Europe at pang-lima sa buong mundo na may kabuuang mahigit dalawang milyong kaso at mahigit sa 64, 000 ang nasawi dahil dito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.