Franchise application ng ABS- CBN, ibinasura ng komite sa Kamara

Franchise application ng ABS- CBN, ibinasura ng komite sa Kamara

IBINASURA ng House Committee on Legislative Franchises ang franchise application ng ABS- CBN matapos ang marathon hearings na ginanap dito sa Kamara.

 

Sa botong 70 yes, 11 no, 1 abstain at 2 nag-inhibit ng mga miyembro ng komite at ex-officio members ay inaprubahan at ina-dopt ng komite ang resolusyon ng Technical Working Group na nagbabasura sa franchise application ng ABS-CBN Corporation para mag-construct, mag-install, magtatag, mag-operate, at mag-maintain ng radio at broadcasting stations sa Pilipinas.

 

Umaapaw ang boto para ibasura ang aplikasyon ng ABS- CBN dahil sa 85 kongresista na bumoto, 44 votes lamang ang kailangan para ma-adopt ang rekomendasyon ng Technical Working Group.

 

Magugunitang nagkaroon ng labindalawang araw na pagdinig ang komite kasama ang House Committee on Good Government and Public Accountability kung saan tinalakay ang mga alegasyon laban sa broadcast giant kabilang ang citizenship ng kanilang Chairman Emeritus na si Gabby Lopez, pag-i-isyu ng Philippine Depositary Receipt sa mga dayuhan, political bias, paglalabas ng TV Plus, pagbabalik ng ABS-CBN sa mga Lopez, paglabag sa labor practices at hindi tamang pagbabayad ng buwis.

 

Posibleng sa 2022 pa maaaring makapag-apply muli ng prangkisa ang ABS-CBN.

 

Samantala, nanawagan naman si House Speaker Alan Peter Cayetano sa publiko na basahing mabuti ang findings ng committee kung bakit ni-reject ang ABS- CBN franchise at para doon sa mga tutol sa pasya ng Kamara upang maunawaan ang hirap na pinagdaanan ng komite para umabot sa desisyon na ito.

 

“As the Committee members have voted to deny the franchise application, the House Leadership asks that the people read the findings carefully in order to appreciate  the reasons for their decision. And for those who do not agree, at the least, understand why the the decision had to be so,” pahayag ni Cayetano.

 

Umaasa naman si Cayetano na sa kabila ng pagkakahati- hati ng mga Pilipino sa usapin ng ABS- CBN franchise ay magkaroon ng unawaan at magmove- on sa usapin.

 

“I pray that despite our differences, we will eventually come to respect the decision of the committee and its members, and begin to move forward in rebuilding the relationships that have been strained by this issue,” aniya.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.