PINANGUNAHAN ng Philippine Franchising Association (PFA) ang dalawang araw na International Conference 2023, araw ng Miyerkules, Hunyo 7, 2023.
Ito ay para sa mga negosyante na naglalayong mabigyan ng kaalaman at kapangyarihan sa pagnenegosyo at kung paano maging bahagi sa franchising industry ang mga mamamayang Pilipino.
Kasama rin sa talakayan kung paano makababangon ang mga negosyante na pinadapa ng COVID-19.
Ayon naman kay Sherill Quintana ang chairman ng PFA, marami sa mga Pilipino na napupunta sa maling pamumuhunan ang kanilang mga pera at nasasayang lamang dahil sa kakulangan ng kaalaman.
Layunin ng kanilang samahan na dapat magpapatuloy ang pag-aaral ng sinumang indibidwal na interesado sa pagnenegosyo.
Sa ngayon, higit isang libong franchising stakeholders ang nakilahok sa conference.
Hinihikayat din ng grupo na kung sinuman ang interesado sa franchising bago mag-invest ay maari silang makipag-ugnayan sa tanggapan ng Philippine Franchising Association.