Free Duterte Now! event isasagawa sa Melbourne sa Hunyo 22

Free Duterte Now! event isasagawa sa Melbourne sa Hunyo 22

INIIMBITAHAN ang supporters ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nasa Melbourne, Australia na sumali sa isang pagtitipon ngayong Hunyo 22, 2025.

Para ito sa Free Duterte Now! event na magsisimula ng 10:00 ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon, Australian time.

Ang venue ay sa Parliament Gardens sa Melbourne.

Inaasahang makakasama sa naturang pagtitipon si Vice President Sara Duterte at iba pang guest speakers.

Sa anunsiyo, nilinaw na hindi tatanggap sa nasabing pagtitipon ng anumang donasyon, solicitations o regalo.

Isinagawa naman kahapon, Huwebes, Hunyo 19, ang candle lighting na panawagan para kay dating Pangulong Duterte.

Eksaktong alas-sais ng gabi nang sabay-sabay magsindi ng kandila ang mga supporter bilang panalangin para sa mabuting kalusugan ng dating Pangulo at para sa kaniyang kalayaan mula sa pagkakakulong.

Ayon kay Davao City First District Rep. Pulong Duterte, ang bawat liwanag ay panawagan din para sa katarungan at sagisag ng pagmamahal para sa dating Pangulo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble