INANUNSIYO ng Commission on Higher Education (CHED) na maipagpapatuloy nila ang pagbibigay ng libreng edukasyon sa Local Universities at Colleges (LUCs) sa buong bansa.
Ito’y dahil sinabi ng CHED na inaprubahan ng Malacañang ang pagdagdag ng pondo upang suportahan ang libreng tertiary education sa mga LUC na kinikilala ng komisyon.
Ang dagdag na pondo ay katumbas ng P577,122,033.08.
Pinasalamatan naman ng CHED ang pag-apruba ng kanilang kahilingan para sa Free Higher Education Program sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act bilang bahagi ng continuing appropriations sa ilalim ng Fiscal Year 2024 General Appropriations Act.