INAPRUBAHAN na ng House of Representatives sa ikatlong pagbasa ang House Bill No. 8817 o ang panukalang Freelance Workers Protection Act.
Ayon pa kay Pangasinan Fourth District Representative Christopher de Venecia, napapanahon na para bigyan ng proteksyon ang mga freelancer.
Kabilang sa mga key provisions ng Freelance Workers Protection Bill ay ang written contracts na dapat mandatory kung kailangan ang kanilang serbisyo at dapat din silang bigyan ng night shift differential at hazard pay para sa kanila.
Sa ilalim ng panukalang ito, ang lahat ng mga reklamo ng paglabag sa mga probisyon nito ay puwedeng ihabla sa Department of Labor and Employment (DOLE)sa pamamagitan ng Undersecretary for Workers with Special Concerns.
Samantala, ang mga mapapatunayang lumabag ay magbabayad ng civil penalty mula PhP50,000 hanggang PhP500,000.
Sa ngayon, ita-itransmit na ang nasabing panukala sa Senado para sa deliberasyon bago ito ipapasa sa opisina ng pangulo.