Freeway sa Philadelphia, USA, bahagyang bumagsak

Freeway sa Philadelphia, USA, bahagyang bumagsak

BAHAGYANG bumagsak ang isang bahagi ng Interstate 95 Freeway ng Philadelphia sa Estados Unidos kasunod ng isang sunog sa underpass nito.

Apat na lanes ang apektado sa pagbagsak ng freeway bandang alas siyete ng umaga sa Estados Unidos.

Ayon sa mga opisyal sa lugar, ang sunog ay nag-ugat sa isang oil tanker.

Wala namang naitalang sugatan o nasawi mula sa aksidente.

Follow SMNI NEWS in Twitter