PARA sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) camp, hindi makatarungan ang ginawang pagpapalawig ng korte sa pag-freeze ng account ng KOJC, SMNI, at Children’s Joy Foundation (CJF).
Sa desisyon, pinalawig pa ng Court of Appeals (CA) ang freeze order hanggang taong 2025.
Ayon kay SMNI Anchor Lorraine Badoy, na dating NTF-ELCAC Spokesperson at ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, mas dapat i-freeze ang bank account at asset ng mga legal front ng teroristang grupong CPP-NPA.
Hirit din ng mga abogado, dapat traceable at reasonable ang pagpapalabas ng freeze order lalo pa’t sa kaso ni Pastor Apollo ay iisa lang naman ang complainant.
Ayon pa sa kampo, hindi si Pastor Apollo ang tinamaan ng freeze order kundi ang mga libu-libong kabataan at mga benepisyaryo ng KOJC na pinapakain at pinag-aaral nito.
Dapat aniyang malaman ng taumbayan na hindi nakapangalan kay Pastor ang SMNI, KOJC at CJF para ito ay kanilang pilayan.
“Nakakalungkot po dahil ang tinamaan ng kanilang freeze order ay hindi po si Pastor [Apollo Quiboloy]. Pastor, ang pagkakaalam ko, does not own any account or any property under his name. Commonwealth po sila, parang socialist na lahat mag-ambag, lahat naman makikinabang sa kung ano ang nararapat sa ministry. Commonwealth at walang pwedeng mangurakot.”
“So, kung i-freeze mo ito, ibig sabihin ang buong religious operations, humanitarian purposes, other information ministry nila, not related directly kay Pastor ay maaapektuhan. At ito na nga ang nangyari, libu-libong mga kabataan at mga scholars na ang naapektuhan. Kayo na po ang humusga nito, taong-bayan,” ayon kay Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, SMNI Anchor.
Sa kabila nito, naniniwala ang legal counsel na nanatiling matibay at makakagawa ng paraan ang mga miyembro ng KOJC sa ginagawang oppression sa kanila.