FRs sa Sultan Kudarat, puwede nang mag-abroad sa tulong ng TESDA

FRs sa Sultan Kudarat, puwede nang mag-abroad sa tulong ng TESDA

DAAN-daang former rebels (FRs) na ngayon ang pinaaral at tinuruan nang libre ng gobyerno at nagtapos sa kursong organic agriculture production NC-II sa tulong ng Technical Skills and Development Authority (TESDA).

Taong 2021 nang magbalik-loob sa pamahalaan ang dating NPA recruiter na si Dindo.

Area umano niya ang Sultan Kudarat, Maguindanao, Sarangani at mga karatig lugar.

Ang paborito niyang rekrutin noon ang mga katutubo sa kabundukan.

“Ginagamit po nila ‘yung kakulangan ng gobyerno sir, unang-una doon ‘yung organisasyon, libreng hospitalization at ‘yung mga daan doon sa mga remote na area na hindi makarating ‘yung tulong ng gobyerno sir,” ayon kay Dindo Tapara, Former Rebel.

Isa lamang si Dindo sa daan-daang former rebels na ngayon ay pinaaral at tinuruan nang libre ng gobyerno.

Katunayan, nagtapos sila sa kursong organic agriculture production NC-II sa tulong ng TESDA.

Sa kaniyang pagbabalik sa Sultan Kudarat, iginiit ni TESDA chief Suharto ‘Teng’ Mangudadatu na eligible nang mag-abroad ang 75 former rebels dahil NC-II holder na sila.

“Yes, that’s a license for locally and for abroad. Kaya binibigyan namin ng MOA with the enterprise based, industry based para maintindihan nila pag-i-hire sila for example sa construction…’yung ma-hire nila na carpenter talagang expert na,” ayon kay Sec. Suharto ‘Teng’ Mangudadatu, TESDA.

Ilang araw ang nakaraan nang magkaloob din ng tig-P20,000 na cash assistance ang Sultan Kudarat Provincial Government sa mahigit 130 former rebels na mula rin sa indigenous community.

Kaya nananatiling payapa ang probinsiya dahil sa good governance.

“Tayo po ay nakapamahagi ng P20,000 each… ngayon, nakapag-graduate na po sila ng TESDA courses. Alinsunod po ito sa ating misyon na talagang magkaroon ng transformation at magkaroon sila ng mas magandang buhay,” ayon kay Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu, Province of Sultan Kudarat.

Namigay rin ng farm machineries ang TESDA sa mahigit 400 beneficiaries sa iba’t ibang bahagi ng probinsiya.

Ang mga nakatanggap ng tulong ay bunga ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) o EO-70 ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Bunga rin sila ng EO-79 ng dating presidente o ang ‘Annex of Normalization sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB)’.

Pinatitiyak ng EO na makukuha ng mga residente sa Bangsamoro Region ang maayos at mapayapang pamumuhay.

Mga programang ipinagpapatuloy ni Pangulong Ferdinand R. Maros, Jr.

“Alam po ninyo, ang ating mahal na Presidente ay gusto talaga niyang at babangon nang sabay-sabay ang buong sambayanan ng Pilipino sa buong Pilipinas. Kaya doon sa mga dating rebelde po at doon sa mga out of school youth ay binibigyan natin sila ng oportunidad na magkaroon sila ng training under the TESDA program,” dagdag ni Sec. Mangudadatu.

“Sa pangalan ng mga lumad, mga IP…kami po ay nagpapasalamat sa pamahalaan na binigyan po kami ng pagkakataon na magbagong buhay,” dagdag ni Tapara.

Ito ang unang pagkakataon na nagbalik si Sec. Teng sa Sultan Kudarat bilang TESDA chief.

Siya ay dating gobernador ng probinsiya at dating congressman.

Sa homecoming, sinalubong siya ng mga taga-kapitolyo bago tumulak sa pamimigay ng ayuda sa former rebels.

Nagkaroon din ng Children’s Congress sa probinsiya bilang pakikiisa sa Children’s Month.

Follow SMNI NEWS on Twitter