NATALAKAY ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa sectoral meeting sa Malacañang Palace ang updates sa Food Stamp Program (FSP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaninang umaga, Hunyo 13, 2023.
Kasama rin sa nasabing pulong ang mga cabinet secretaries ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
Inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pilot at full implementation ng mga proyekto sa ilalim ng nasabing programa.
Bukod dito, inatasan din ni Pangulong Marcos ang DSWD sa pakikipag-koordinasyon sa Department of Health (DOH) na tingnan ang nutritional value ng pagkain na ipamimigay sa mga benepisyaryo ng FSP.
Bukod sa target beneficiaries na bottom one million households, pinatitiyak din ng Pangulo na mapabilang sa programa ang mga single parent, pregnant, at lactating women para matugunan ang first 1,000 days advocacy.