SINABI ng Civil Aeronautics Board (CAB) na bababa ang fuel surcharge para sa mga domestic at international flights sa buwan ng Hunyo.
Sa isang pahayag, mula sa umiiral na Level 4 na fuel surcharge sa kasalukuyan, magiging Level 3 na ito sa Hunyo 1–31, 2025.
Sa ilalim ng Level 3, ang fuel surcharge para sa mga domestic flight ay nasa P83–P300 na lang.
Mula ito sa P117–P342 sa ilalim ng Level 4.
Samantala, ang international flights ay nasa P273.36 –P2,032.54 na lang din mula sa P385.70–P2,867.82.
Ang fuel surcharge ay isang optional fee at hiwalay sa base fare na maaaring ipasa ng mga airline sa mga pasahero upang mabawi ang gastos bunsod ng pabago-bagong presyo ng krudo.