Fuel surcharge ng Air Asia, tumaas na rin

Fuel surcharge ng Air Asia, tumaas na rin

DAHIL sa patuloy  ang pagtaas ng presyo ng mga petrolyo, aminado ang Air Asia maging ang lahat ng airlines companies na tumaas na ang fuel surcharge.

Sa kabila  ng pagtaas ng fuel surcharge ng airline companies dulot pa rin ng tumataas na presyo ng petrolyo, tiniyak ng Air Asia na mananatili pa rin ang pinakamababang pasahe sa lahat ng local air carrier sa bansa.

Kinumpirma ni Air Asia Philippines Chief Executive Officer Ricky Isla  na ang pagtaas ng kanilang fuel surcharge ay depende sa ibinigay ng Civil Aeronautics Board (CAB).

Mahalaga para sa Air Asia Philippines ang isyu ng mababang  pasahe upang mapanatiling kumpiyansa ang kanilang pasahero sa paglalakbay lalo na ngayong lumuluwag na ang travel restriction sa bansa.

Inihayag din ni Isla na ngayong Marso 28 o sa susunod na linggo ay babalik na ang mga domestic flights ng Air Asia sa  Terminal 4 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ani Isla, nasa 11 check-in counter na  mayroon ang Air Asia sa Terminal 4.

Dahil dito pinapayuhan ang mga pasahero na bago lilipad gawin ang check -in sa pamamagitan ng online upang hindi na sila maabala pagdating sa paliparan.

Matatandaan muling pinayagan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) na muling mag-operate ang ilang air carrier sa NAIA terminal -4  sa Lunes.

Ito’y matapos pansamantalang isinara ng dalawang taon dahil sa pananalasa ng COVID -19 pandemic.

Bukod sa Air Asia, kasama rin ang CebGo, Airswift  na nag ooperate na Airlines sa NAIA Terminal -4.

SMNI, tumanggap ng pagkilala mula sa Air Asia

Samantala, ginawaran ng pagkilala ang Sonshine Media Network International (SMNI) kasama na rin ang  DZAR Sonshine Radio Manila sa Air Asia’s First Stellar Awards 2022.

Personal na tinanggap ng mga kinatawan ng SMNI at DZAR ang Air Asia First Stellar Awards sa event venue ng Air Asia sa tanggapan nito sa NAIA terminal 3, kahapon, Marso 22.

Pinangunahan ni Air Asia Philippines CEO   Ricky Isla, at ng iba pang opisyal ang nasabing award.

Ang First Aviation Awards, ng Stellar Awards 2022! ay ginawa ng Air Asia bilang pasasalamat na rin sa  iba’t ibang mga sector na walang sawang sumuporta sa lalo na kasagsagan ng pandemic.

Follow SMNI News on Twitter