Full alert status ng PNP, hanggang January 10 –PNP spox

Full alert status ng PNP, hanggang January 10 –PNP spox

NAKA-full alert ang Philippine National Police (PNP) hanggang sa January 10, 2023.

Ayon ito kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo sa panayam ng SMNI News.

Ang full alert status ay ipinapatupad ng PNP sa mga personnel nito bilang bahagi ng kanilang security plan kung saan ang lahat ay hindi pinapayagang mag-leave.

Ito’y para mas ma-maximize ang implementasyon ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.

December 16, 2022 nang magsimula ang full alert status ng PNP.

Follow SMNI NEWS in Twitter