Full list ng entries ngayong taon, ibinahagi ng Cinemalaya

Full list ng entries ngayong taon, ibinahagi ng Cinemalaya

PARA sa mga interesado at movie goers, inilabas ng Cinemalaya Philippine Independent Film festival ang kumpletong listahan ng 10 full-length at 10 short films.

Sa full-length ay ang Alipato at Muog ni JL Burgos; An Errand nina Dominic Bekaert at Sarge Lacuesta; Tumandok nina Arlie Sweet Sumagaysay at Richard Jeroui Salvadico; Balota ni Kip Oebanda; at Gulay Lang Manong (No More Than Veggies) ni BC Amparado.

Entries rin ang Kantil (Trench) ni Joshua Caesar Medroso; Kono Basho ni Jaime Pacena II; Love Child ni Jonathan Jurilla; The Hearing nina Lawrence Fajardo at Honee Alipio; at The Wedding Dance ni Julius Lumiqued.

Sa Short Films ay ang Abogbaybay ni P.R. Monencillo Patindol; “All This Wasted Space” ni Cris Bringas; Ambot Wala Ko Kabalo Unsay I-Title Ini ni Rey Anthony Villaverde; Cross My Heart and Hope to Die ni Sam Manasca; I Was Walking on The Streets of Chinatown ni Ryan Capili; and Mama ni Alexandra Brizuela.

Mariposa ni Melanie Faye Tampos; Pamalandong sa Danow (Reflection in the Marsh) ni Breech Asher Harani; Primetime Mother ni Sonny Calvento; at The Red Trails (Ang Baga sa Dalan) nina Mariel Ritchie Jolejole at Roniño Dolim.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble