Full nursing scholarship, tampok sa isang panukalang batas na isinusulong sa Kamara

Full nursing scholarship, tampok sa isang panukalang batas na isinusulong sa Kamara

MAY panukalang batas ngayon na isinusulong sa Kamara na magbibigay ng scholarship sa kursong nursing.

Ang health workers ng bansa ang naging sandalan ng pamahalaan sa laban nito kontra COVID-19.

Araw-araw, nasa hukay ang isa nilang paa dahil sa peligrong dala ng kanilang trabaho.

At lingid sa kaalaman ng lahat, mahirap mag-produce ng mga doktor, nurse at iba pang espesyalista.

Ayon sa Philippine Nurses Association (PNA), aabot sa kalahating milyon ang gastos sa pag-aaral halimbawa sa nursing.

“For every semester kasi nagra-range siya for P30-50,000. So roughly if we will compute it for a year with 2 semesters, umaabot talaga siya ng almost of less than P100,000. So if we will consider it for the whole 4 years, P400,000 po probably,” saad ni Melvin Miranda, President, Philippine Nurses Association Inc.

Hindi pa kasama diyan ang gastos internship at training, paraphernalia, uniforms, at iba pang miscellaneous fees.

Kaya ayon sa grupo, mas mainam kung may scholarship program ang pamahalaan para dito.

Lalo na’t dapat patatagin ng gobyerno ang health force nito.

Kaso, hindi priority program ang nursing sa scholarship grants ng pamahalaan.

Sa Kamara, isinusulong ni Anakalusugan Rep. Ray Florence Reyes ang panukalang batas para sa full scholarship sa nursing.

Sa ilalim nito, libre lahat at walang babayaran ang isang qualified scholar sa buong panahon ng kanyang pag-aaral.

Kasama sa ililibre ng pamahalaan ang book allowance, internship fees at annual medical insurance.

“Well of course the willingness to also through it and it is like any scholarship program. While everybody would like to have such we will always have to work with the idea that the resources will always be given and provided to those who excel to make sure that they meet the criteria. So, there are grade requirements, and fulfillment requirements to complete the courses. As well as to complete the board licensure exams 1 year upon graduation,” wika ni Rep. Ray Florence Reyes, Anakalusugan Party-list.

At sa mga magtatapos sa scholarship grant, obligado ang mga ito na magtrabaho sa public hospitals and facilities ng hindi bababa sa anim na taon.

Kailangang gawin ang mandatory government service sa loob ng 10 taon pagkatapos ng graduation.

Babawiin naman ang scholarship kapag ang ang estudyante ay tumanggap ng ibang government scholarship.

Babawiin din kapag hindi na-maintain ng estudyante ang academic requirements ng paaralan.

Tatanggalan din ng scholarship ang mga bumagsak sa licensure exam ng dalawang beses at ang mga estudyante na nakagawa ng behavioral misconduct.

“What we’re saying naman with this nursing scholarship program is okay maybe serve us for a bit and you’re free to go out. With now, you have 6 years-worth of professional experience that makes you an even a more attractive asset there in a country when you are being hired as a nurse. Kasi hindi ka lang fresh grad or fresh from the board, you have experience that you bring there. So, therefore, you could demand a greater higher salary for that. And so I think it’s a win-win,” ayon pa kay Reyes.

Mungkahi naman ng PNA na bayaran din ng pamahalaan ang private schools para  magturo ng libre.

“So if this will cover both, I think both opportunities for the higher education institution or for our respective students will benefit. Pero, I think the bill will prioritize Sir yung ating mga state universities and colleges,” ayon kay Melvin Miranda, President, Philippine Nurses Association Inc.

Aminado naman ang pamahalaan na hindi mapipigilan ang diaspora o ang pangingibang bansa ng maraming Filipino nurses.

Lalo pa’t hindi sasapat ang sahod ng mga ito sa bansa.

Nasa P30,000-P33,000 ang entry level pay ng mga nurse sa government facilities habang P9,000-P15,000 lamang sa private.

“We cannot prevent that people will be attracted because you are looking at developed countries who are willing to put up higher pay for them,”  punto ni Reyes.

Ito naman ang unang pagkakataon na may panukalang batas para sa full nursing scholarship ayon sa PNA.

Follow SMNI NEWS in Twitter