Full protective gear isusuot ng mga pulis kontra COVID-19 at mga raliyista sa SONA ni Pang. Duterte

Full protective gear isusuot ng mga pulis kontra COVID-19 at mga raliyista sa SONA ni Pang. Duterte

WoodProfit

NAKA-full protective gear, mahigpit na blocking formation at ilang bomb sniffing dogs ang ipinakalat na mga pulis sa loob ng UP Diliman Campus para obserbahan ang inaasahang maayos na pagsasagawa ng kilos-protesta ng maraming tao bilang pagtutol sa mga sasabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang Ikalimang State of the Nation Address o SONA 2020.

 

Matapos hindi payagan ng Quezon City Local Government ang protesta sa Batasang Pambansa ngayong araw kung kailan isasagawa ang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, napagkasunduan ng ilang ng mga raliyista na isagawa nalang ang kanilang kilos-protesta sa loob ng University of the Philippines Campus.

 

Gaya noong nakaraang ulat sa bayan ni Pangulong Duterte, puno ng art at theatrical presentations, mga pakulo, mga talumpati mula sa mga estudyante, ilang kilalang personalidad, ilang negosyante, mga pribadong sektor kagaya ng labor, transportation at mga pulitiko, ang umaalingawngaw sa UP Diliman Campus.

gamebank

 

Mga mensahe ng pambabatikos, disgusto at katanungan sa mga nangyayari anila sa kasalukuyang pamahalaan.

 

Karamihan sa mga nagprotesta ay isinisisi sa gobyerno ang mataas na bilang ng COVID-19 sa bansa, kawalan ng sapat na ayuda lalo na sa mga mahihirap, gaya na lamang sa nangyaring kontrobersiyal na distribusyon ng Social Amelioration Fund para sa mga apektado ng pananalasa ng COVID-19 sa bansa

 

Isa sa mariing nagpapaabot ng kanilang pagkadismaya ang grupo ng mga tsuper ng pampublikong jeep, taxi, UV express at bus na anila’y unti-unting inaagawan ng karapatan na makapaghanapbuhay.

 

Samantala, dahil sa pag-iingat sa posibleng hawaan ng sakit na COVID-19 lalo na sa ganitong sitwasyon na hindi maiiwasan at pagdidikit-dikit ng mga miyembro mula sa iba’t-ibang sektor, tiniyak ng pamunuan ng Pambansang Pulisya na magiging maayos, organisado at tahimik ang pagtitipon ng mga demonstrador sa University of the Philippines.

 

Nasa 6,000 law enforcers ng PNP, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Jail Management and Penology, at mula sa Quezon City LGU ang nakakalat ngayon sa buong lungsod kung saan gagawin ang SONA ng Pangulo bagama’t wala pang katiyakan kung personal ngang dadalo ang Pangulo sa kaniyang SONA sa loob ng Batasan Complex.

 

Bukod dito mayroon ding, 30 bomb-sniffing dogs ang naka-deploy sa buong Metro Manila kasama na ang UP Campus, Senate of the Philippines sa Pasay at mismong sa House of Representatives.

 

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major General Debold Sinas, mayroong 1,900 reserved forces ang pamahalaan sakaling kailangan ang serbisyo ng mga ito.

 

Nagbabala naman ang PNP na aarestuhin nila ang sinuman na magdudulot ng kaguluhan.

 

Kung matatandaan, sa inilabas na post ng QC government, nilinaw nito ang pagbabawal sa pag oorganisa ng kilos protesta sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

 

Ang lahat din ng mga naibigay nang permit ay mariin na ring binabawi ng pamahalaan.

 

“The Quezon City Government, thru the city legal department, would like to inform the public that all applications for permits to organize or hold public assemblies shall not be processed,”  ayon sa pahayag ng Quezon City government.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.