SISIMULAN na ngayong taon ang kumpletong rehabilitasyon sa EDSA.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), bilang tugon na rin nila ito sa datos kung saan nangunguna ang Metro Manila sa ‘World’s Worst Traffic in Metro Area’ ng 2023 Tomtom Traffic Index.
Mapapansin na sa naturang pag-aaral, nasa 25 minuto at 30 segundo bawat 10 kilometro ang iginugugol ng mga motorista sa Metro Manila noong 2023.