Fully vaccinated individuals kontra COVID-19 sa QC, pumalo na sa higit 2.6 milyon

Fully vaccinated individuals kontra COVID-19 sa QC, pumalo na sa higit 2.6 milyon

UMABOT na sa 6,732,505 doses ng bakuna ang naiturok ng Quezon City hanggang kaninang alas-8 ng umaga.

Ayon sa city government, nasa 2,600,166 na ang bilang ng fully vaccinated individuals sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 2,197,793 milyon dito ay fully vaccinated adults habang 402,373 naman ang bilang ng fully vaccinated minors.

Umabot naman sa 1,530,612 ang nabigyan ng booster shot o ng first at second booster.

Samantala, pumalo na sa 289,491 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa sakit sa lungsod kung saan 286,720 na ang gumaling, 428 ang aktibong kaso at 2,343 ang nasawi.

 

 

Follow SMNI News on Twitter