PAPAYAGAN nang makapasok sa lungsod ng Baguio ang mga turistang fully vaccinated kahit na walang ipresenta na negative COVID-19 test results ayon sa city government.
Sa abiso ng city government sa Facebook post, ipinaliwanag ng Baguio Tourism na maaaring magsilbi bilang alternatibo sa negative COVID-19 test results ang valid COVID-19 vaccination cards o certificates.
Ang mga vaccinated tourist ay kailangang magparehistro sa Visita.Baguio.Gov.Ph at kumuha ng QR-coded tourist pass at sumailalim sa mandatory triage pagdating sa lungsod.
Ayon sa city government, pinapayagan na nila ang lahat ng edad pero yung mga galing lamang sa General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ areas.
Gayunman, nilinaw ng Baguio City government na maikokonsidera lamang ang isang indibidwal na fully vaccinated, 2 linggo matapos nilang matanggap ang kanilang second dose ng bakuna.
(BASAHIN: Great Wall of Baguio City, kasalukuyan nang ginagawa)