IBINAHAGI ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pananaw ukol sa kalagayan ng Pilipinas, na ayon sa kanya, ay nahuhuli na sa pag-unlad hindi lamang sa ating rehiyon kundi pati na rin sa buong mundo.
“Gaano kalala ang Pilipinas? Napag-iwanan na tayo ng panahon, ng ating mga kapitbahay, dito sa region, at napag-iwanan na tayo ng mundo.
Kung basehan natin ‘yung pag-alis ng mga
Pilipino sa sarili nilang bansa, ay sobrang malala, dahil sobrang dami nating mga kababayan ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa, dahil wala silang makitang oportunidad at pag-asa dito sa ating bayan,” ayon kay Vice President Sara Duterte.