“Gabriela” ng KATSEYE, nasa No. 8 Spot ng Billboard Philippines

“Gabriela” ng KATSEYE, nasa No. 8 Spot ng Billboard Philippines

PATULOY ang pag-angat ng global girl group na KATSEYE, matapos makuha ng kanilang kantang “Gabriela” ang No. 8 spot ng Billboard Philippines Hot 100 para sa chart ng Hulyo 5.

Ito na ngayon ang highest rank na nakuha nila sa nasabing chart, matapos ang kanilang tagumpay sa kantang “Touch” na nag-No. 83 habang nag-No. 28 naman ang “Gnarly”.

Kakaiba ang naging presentation ng “Gabriela”, dahil ipinakita ng girl group ang kanilang pagiging unique at pagiging versatile.

Sa ilang araw mula ng na-i-release ang track ay agad na itong napansin at tinangkilik ng maraming tagapakinig sa buong mundo, at nakakuha na ng halos 10 million views ang official music video.

Bentang-benta rin sa GENZs ang kanilang dance challenge sa TikTok at Instagram, isang patunay na lumalaki na ang EYEKONs community—at fandom ng KATSEYE.

Tinagurian silang global girl group dahil binubuo ang grupo ng mga miyembro mula sa iba’t ibang bansa at iba’t ibang lahi.

Tulad ni Sophia Laforteza na mula sa Pilipinas; Manon Bannerman, isang Swiss-Italian; Daniela Avanzini, isang Cuban-Venezuelan; Megan Skiendiel, isang Chinese-Singaporean; Lara Rajagopalan, isang Indian-American; at Yoonchae Jeong na isa namang South Korean.

Oh ‘di ba? Global na global!

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble