Gagaraheng kotse dumiretso sa supermarket ng Nueva Vizcaya

Gagaraheng kotse dumiretso sa supermarket ng Nueva Vizcaya

BASAG ang dalawang glass panel ng supermarket sa Brgy. Quirino, Solano, Nueva Vizcaya matapos na dumeretso ang isang kotse sa loob nito at huminto lang nang sumalpok ito sa cubicle ng customer service nitong Abril 29.

Ang drayber ng kotse ay isang 61 taong gulang na babae na nakaranas ng paninikip ng dibdib dahil sa pagkabigla sa nangyaring insidente.

Paliwanag nito, nakita niyang mataas ang paradahan kumpara sa kalsada kaya upang maiwasang sumabit ang ilalim ng sasakyan ay diniinan nito ang silinyador dahilan ng pag-arangkada nito papasok sa supermarket.

Apat ang nagtamo ng sugat sa naganap na aksidente, kabilang na ang drayber at isang pasahero nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble