Gal Gadot, ipinagdiwang ang ika-9 na taon bilang si ‘Wonder Woman’

Gal Gadot, ipinagdiwang ang ika-9 na taon bilang si ‘Wonder Woman’

IPINAGDIWANG ng Hollywood star na si Gal Gadot ang ika-9 na taon nito simula nang opisyal itong ianunsyo ng DC bilang si ‘Wonder Woman’.

Ipinakilala si Gadot bilang si Wonder Woman sa 2016 film na “Batman V Superman: Dawn of Justice”.

Sa inupload nitong picture bilang Wonder Woman sa kanyang Instagram account, ipinahiwatig din ng aktres na hindi na ito makapaghintay na ibahagi ang susunod na chapter para sa nasabing super hero.

Ani Wonder Gal, nagpapasalamat siya sa oportunidad dahil sa nagawa niyang gampanan ang isang incredible at iconic na character at higit sa lahat ay nagpapasalamat siya sa lahat ng kanyang mga taga suporta.

 

 

 

Follow SMNI News on Twitter