Galaw ng Estados Unidos, posibleng hindi na makokontrol dahil sa EDCA sites – Atty. Roque

Galaw ng Estados Unidos, posibleng hindi na makokontrol dahil sa EDCA sites – Atty. Roque

ANUMAN ang layunin na napagkasunduan, darating ang panahon na hindi rin makokontrol ang galaw ng Estados Unidos sa pamamagitan ng EDCA sites sa Pilipinas.

Isa na dito ang umatake o magdepensa para sa kanilang bansa gaya nalang noong World War II kung saan ang Pilipinas ay pangalawa sa sobrang nasira.

Ito ang sinabi ni Atty. Harry Roque kasunod sa ulat na nadagdagan pa ng 4 na EDCA sites ang limang nauna sa bansa.

Ipinaliwanag pa ni Atty. Roque, madalas na nangyayari ay hindi sa Estados Unidos nagaganap ang digmaan.

Maiintindihan naman ani Roque na nababahala si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa mga minsang pinaggagawa ng China gaya nalang sa pagharang ng mga Pilipinong mangingisda kaya posibleng pumasok ito sa ganitong mga kasunduan.

Subalit ang 4 na magiging bagong EDCA sites ay nasa Taiwan strait at kung magkakaputukan ay dito na magsisimula ang problema.

Follow SMNI NEWS in Twitter